Merger ng PNB at PNB Savings Bank pinayagan ng Bangko Sentral
Pinayagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang merger ng PNP at PNB Savings Bank.
Ayon sa PNP, natanggap na nila ang liham mula sa BSP kahapon, Sept. 5 kung saa inaaprubahan ang plano nilang integration sa PNB Savings Bank.
May petsang August 29 ang resolusyon ng Monetary Board.
Ang PNB Savings Bank ay subsidiary ng PNB.
Sa statement ng naturang bangko sa sandaling maisakatuparan na ang merger ay mas makapagbibigay sila ng maayos na banking experience sa kanilang kliyente.
Dahil ang mga customer ng PNP Savings Bank ay maari na ring magkaroon ng access sa PNB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.