Presong nakinabang sa GCTA at nakalaya noong nakaraang buwan, sumuko sa Laguna
Sumuko sa mga pulis sa bayan ng Rizal sa Laguna ang isang preso na nakalaya noong nakaraang buwan dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Si Eddie Isleta, 62 anyos ay huminging tulong kay Rizal Mayor Rolen Urriquia matapos mabalitaan ang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinamahan naman ng alkalde si Isleta sa Rizal Police Station, umaga ng Biyernes (Sept. 6)
Si Isleta ay nahatulan ng hamabuhay na pagkakabilanggo dahil sa kasong murder noong Dec. 23, 1996.
At matapos ang halos 23 na pagkakakulong, sya ay napalaya sa ilalim ng GCTA law noong Aug. 19, 2019.
Ayon kay Corporal Gary Matuguinas, hindi pa malinaw sa kanila kung kailangang agad dalhin sa Bureau of Corrections (BuCor) si Isleta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.