Maguindanao massacre case dedesisyunan na ng korte

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 11:56 AM

Sampung taon matapos ang malagim na Maguindanao massacre ay ilalabas na ang desisyon sa kaso.

Ayon kay Presidential Task Force for Media Security (PTFoMs) at Undersecretary Joel Egco sumulat sa kaniyang tanggapan ang Department of Justice (DOJ) noong September 3, 2019 para ipaalam na nakatakda nang ilabas ang desisyon.

Sinabi ni Egco, idineklara nang submitted for decision ang Ampatuan, Maguindanao massacre case.

Kinumpirma din ito ni Communications Secretary Martin Andanar.

Ani Andanar, umaasa ang pamahalaan na mailalabas ang desisyon bago ang 10th anniversary ng insidente sa November 23, 2019.

Base aniya sa kanilang impormasyon, sinabi ni Andanar na ilalabas ang desisyon sa kaso sa ikatlong linggo ng Nobyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.