Misis na pitong buwang buntis pinagtataga ng mister sa Mlang, Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 11:46 AM

Patay ang isang ginang na pitong buwang buntis matapos pagtatagain ng isang lalaking suspek sa Mlang, Cotabato.

Ayon kay Lieutenant Colonel Geovanni Ladeo, hepe ng Mlang Police station, nasawi ang 35 anyos na si Marilou Gulmayo.

Si Gulmayo ay pinagtataga ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagtamo rin ng taga ang kaniyang apat na taong gulang na anak na lalaki at kaanak na si Eliterio Pastolero, 59 anyos na kapwa ginagamot sa ospital.

Ayon kay Ladeo, nangyari ang insidente sa Barangay Pulanglupa, alas 4:00 ng hapon ng Huwebes (Sept. 5).

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at asawa niyang si Elmer Gulmayo, 31 anyos na noon ay nakainom.

Hindi pa tukoy kung ano ang pinagtalunan ng mag-asawa.

Hawak naman na ng mga pulis si Ladeo at mahaharap sa mga kaso.

TAGS: hacking incident, Mlang, North Cotabato, hacking incident, Mlang, North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.