Joma Sison, 37 iba pa ipinaaaresto ng korte dahil sa 1985 Inopacan Massacre

By Jan Escosio September 06, 2019 - 11:36 AM

Nagpalabas ang isang korte sa Maynila ng warrant of arrest para kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison at sa 37 iba pa kasama na ang kanyang misis na si Juliet.

Ang warrant ay inisyu ni Judge Thelma Bunyi-Medina ng RTC Branch 32 noon pang nakaraang Agosto 28 at bunsod ito ng Inopacan Massacre na nangyari noong may 1985 sa Leyte.

Kabilang din sa mga ipinaaaresto ay sina Luis Jalandoni at Rodolfo Salas alyas Kumander Bilog.

Magugunita na 121 ang dinukot at pinatay ng mga tauhan ng New People’s Army (NPA) sa Baybay City at mga bayan ng Inopacan at Mahaplag.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kinahaharap na kasong murder ng 38 ipinaaresto.

Isinampa ang kaso noon 2006 matapos madiskubre ang 67 kalansay sa isang mass grave sa Barangay Subang Daku.

Ang mag-asawang Sison ay ilang dekada nang nananatili sa The Netherlands kung saan sila nakakuha ng political asylum.

TAGS: communist party of the philippines, inopacan massacre, Joma Sison, communist party of the philippines, inopacan massacre, Joma Sison

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.