Ito ang nagsakay sa libu-libong mga pasahero ng MRT-3 na naapektuhan ng ilang oras na tigil-operasyon ng tren.
Dahil kasagsagan ng rush hour nangyari ang aberya, maraming pasahero ang napilitang mag-abang ng masasakyan sa EDSA.
Ayon sa MMDA, maging ang mga bus na nakahimpil lang sa terminal dahil coding ngayong araw ay pinayagang bumiyahe para makapagsakay ng mga naapektuhang pasahero.
Bago mag-alas 7:00 ng umaga nang itigil ang buong operasyon ng MRT-3.
At bago mag-alas 10:00 ng umaga nang makapag-resume ito ng partial operations.
MOST READ
LATEST STORIES