50 bus idinagdag sa EDSA para isakay ang mga pasahero ng MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 11:27 AM

Nagtalaga ng dalawang military trucks, tatlong bus ng Metro Parkway Clearing Group (MPCG) at 50 Ccity buses sa EDSA.

Ito ang nagsakay sa libu-libong mga pasahero ng MRT-3 na naapektuhan ng ilang oras na tigil-operasyon ng tren.

Dahil kasagsagan ng rush hour nangyari ang aberya, maraming pasahero ang napilitang mag-abang ng masasakyan sa EDSA.

Ayon sa MMDA, maging ang mga bus na nakahimpil lang sa terminal dahil coding ngayong araw ay pinayagang bumiyahe para makapagsakay ng mga naapektuhang pasahero.

Bago mag-alas 7:00 ng umaga nang itigil ang buong operasyon ng MRT-3.

At bago mag-alas 10:00 ng umaga nang makapag-resume ito ng partial operations.

TAGS: city buses, MRT, Overhead Catenary System, Stop Operation, city buses, MRT, Overhead Catenary System, Stop Operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.