Impormasyon ng mga nakalayang convict sa ilalim ng GCTA law dapat isapubliko – Rep. Rodriguez
Walang nakasaad sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law na confidential dapat ang mga impormasyon sa mga bilanggong nakikinabang dito.
Sinabi ito sa Radyo Inquirer ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na co-author ng GCTA law.
Ayon kay Rodriguez walang probisyon sa GCTA law na nagsasabing dapat ay confidential ang paglaya ng isang convict.
Dapat nga ayon kay Rodriguez ay ipaalam sa publiko ang paglaya ng isang dating nahatulan.
Ito ay para maging aware ang publiko lalo na ang mga residente malapit sa kung saan naninirahan ang napalayang convict.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.