P6.8M na halaga ng shabu nakuha sa drug suspect sa Guadalupe, Cebu

By Jimmy Tamayo September 06, 2019 - 09:55 AM

Naaresto ang isang drug suspect sa anti-drug operations sa Happy Valley, Guadalupe Cebu Huwebes (Sept. 5) ng madaling araw.

Kinilala ng Centro Police Station ang nadakip na si Niño Develos, 29 anyos at residente sa nasabing lugar.

Nakuha kay Develos ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 miyon.

Ayon Police Mayor Ramil Morpos ng Mandaue City police, naaresto si Develos matapos itimbre ng isa pang drug suspect na naunang natimbog sa isang checkpoint sa lungsod.

Sa follow-up operation, nakumpirma ang aktibidad ng suspek kaya ikinasara ang operasyon laban sa kanya pasado ala-1:00 ng madaling araw.

Ilang oras bago maaresto si Develos, nadakip ng pulisya ang maglive-in partner sa Lapu-Lapu City na nakuhanan din ng P6.8 milyong halaga ng shabu.

TAGS: Centro Police Station, drug suspect, Guadalupe Cebu, Mandaue City police, Niño Develos, P6.8M na halaga ng shabu, Police Mayor Ramil Morpos, Centro Police Station, drug suspect, Guadalupe Cebu, Mandaue City police, Niño Develos, P6.8M na halaga ng shabu, Police Mayor Ramil Morpos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.