Apat na pulis sa Las Piñas City huli sa aktong nag-iinuman habang naka-duty

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 09:30 AM

Huling-huli sa akto ang apat na pulis na nakatalaga sa Las Piñas City habang nag-iinuman.

Inabutan ng mga tauhan ng PNP-Internal Affairs Service nagtatagayan ang apat na pulis sa oras ng kanilang duty.

Nadatnan pa sa lugar lahat ng ebidensya ng pag-iinuman ng apat kabilang ang dalawang long neck ng isang brand ng alak na ang isa ay sarado pa at ang isa ay halos paubos na.

At para kumpleto ang tagayan, may kanin at sabaw pa sa lamesa na kinain ng mga pulis.

Kinilala ng PNP-IAS ang apat na sina Patrolman Samuel Inoc, Police Corporal Alquin Orgen, Police Corporal Randy Danao at Police Corporal Robemar Abales.

Lahat sila ay nakadestino sa Las Piñas Police Station 6.

Sinabi ni Police Brigadier General Gerry Galvan, hepe ng IAS sa National Capital Region naaktuhan ang apat na nag-iinuman ala 1:35 ng madaling araw ng Biyernes, Sept. 6.

Mahaharap sa kasong administratibo ang apat.

TAGS: 4 police caught drinking alcohol, drinking session, Las Piñas City police, PNP. IAS, 4 police caught drinking alcohol, drinking session, Las Piñas City police, PNP. IAS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.