Yahoo nakaranas ng technical glitch na nakaapekto sa mga email account

Nakaranas ng technical glitch ang search engine na Yahoo na naka-apekto sa libo-libong internet users sa US, Europe at sa India.

Sinabi ng kumpanya na naibalik na ang serbisyo makaraan ang pitong oras.

Humingi din sila ng paumanhin sa nangyaring aberya at patuloy anilang inaayos ang problema.

Partikular na naapektuhan ng problema ang mga email account holders sa Britanya, ayon sa outage alert service na Downdetector.

 

Read more...