MRT-3 nag-resume na ng partial operations; buong serbisyo target maibaik bago mag-alas 5:00 ng hapon

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 08:52 AM

(UPDATE) Ilang oras pang hindi magagamit ng mga pasahero ang buong linya ng MRT-3 matapos makita ang naputol na bahagi ng catenary cable sa Guadalupe Station.

Sa update mula sa pamunuan ng MRT-3, maaring alas 9:45 ng umaga nang mag-resume ang partial operations ng tren.

May biyahe na mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station at pabalik.

Samantala, maari namang bago mag-alas 5:00 ng hapon target maibalik ang buong serbisyo ng MRT-3.

Para matulungan ang mga pasahero, nagtalaga ng dagdag na mga bus ang DOTr Railways Sector, i-ACT, MMDA, at LTFRB.

TAGS: catenary cable, catenary wire, dotr, mrt-3, railway system, catenary cable, catenary wire, dotr, mrt-3, railway system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.