LOOK: Naputol na overhead catenary system sa northbound lane ng Guadalupe Station ng MRT-3
Patuloy ang pag-repair ng mga tauhan ng MRT-3 sa naputol na overhead catenary system sa Guadalupe station northbound.
Ang overhead catenary system ang dinadaluyan ng kuryente para gumana ang mga tren ng MRT-3.
Dahil sa nasabing problema tigil ang operasyon ngayon ng buong linya ng MRT-3.
Tambak na rin ang mga pasahero sa EDSA na nag-aabang ng masasakyan.
Ayon sa pamunuan ng DOTr, may mga idineploy nang dagdag na P2P buses para maisakay ang mga pasaherong stranded.
Sa ngayon target ng MRT-3 na makapag-resume ng operasyon kahit partial lamang.
Pagkatapos ng restoring operations ay iimbestigahan kung ano ang naging dahilan ng pagkaputol ng kable. Dahil sa tigil-operasyon ng MRT-3 maraming pasahero ang na-stranded sa EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.