BREAKING: Biyahe ng MRT-3 sinuspinde
Sinuspinde ang biyahe ng Metro Raul Transit dahil sa kawalan ng sapat na power supply.
Alas 6:17 ng umaga nang ianunsyo ng MRT-3 na mayroong problema ang kanilang Overhead Catenary System sa Guadalupe Station (NB).
Alas 6:20 ng umaga nang magpatupad ng provisional service at tanging North Avenue to Shaw Boulevard at pabalik lamang ang naging biyahe.
Pero alas 6:42 ng umaga nang suspindihin na ang buong biyahe ng MRT-3.
Ayon sa pahayag ng MRT-3 hindi sapat ang kuryenteng dumadaloy mula Shaw Blvd. hanggang sa Santolan kaya kailangang itigil na ang operasyon.
Patuloy na tinutugunan ang problema.
Dahil sa insidente, maraming pasahero ng MRT-3 ang naperwisyo lalo at kasagsagan ng rush hour nang itigil ang operasyon.
Napuno ng pasaherong nag-aabang ng masasakyan ang kahabaan ng EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.