Rapper na si Nicki Minaj inanunsyo ang pagreretiro

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2019 - 06:41 AM

Nagulat ang maraming fans ni Nicki Minaj matapos nitong ianunsyo ang kaniyang pagreretiro.

Sa kaniyang post sa Twitter sinabi ni Minaj na nais niyang mag-focus sa kaniyang pamilya kaya magreretiro na siya sa kaniyang career.

Ang 36-anyos na si Minaj ay engaged na sa music executive na si Kenneth Petty at inaasahang magaganap ang kanilang kasal sa susunod na mga buwan.

Naging mabilis ang pagiging tanyag ni Minaj matapos irelease ang kaniyang single na “Super Bass”.

Noong June 2019 nang irelease naman ang single niyang “Megatron”.

Inulan naman ng reaksyon mula sa fans ang tweet ni Minaj.

Marami ang nagpasalamat sa kaniyang 11 taong career.

TAGS: nicki minaj, retirement, singer, singing career, super bass, nicki minaj, retirement, singer, singing career, super bass

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.