Mga tauhan ng Iranian Embassy binigyan ng ultimatum para iwan ang Saudi Arabia

By Den Macaranas January 04, 2016 - 02:53 PM

SaudiIran
Inquirer file photo

Tuluyan nang ibinasura ng Saudi Arabia ang kanilang diplomatic ties sa Iran makaraan nilang bigyan ng 48-oras ang mga opisyal ng Iranian Embassy para lisanin ang kanilang bansa.

Ito ang naging tugon ng Saudi Arabia sa ginawang paglusob ng ilang militanteng grupo sa gusali ng Saudi Embassy sa Tehran Iran.

Nagsimula ang gusot sa dalawang bansa nang bitayin sa Saudi Arabia ang may apatnapu’t anim na mga Iranian prisoners na kinabibilangan ng isang Shiite leader.

Noong January 2 ay nilusob ng ilang mga armadong kalalakihan sa Tehran ang Embahada ng Saudi Arabia na ayon kay Saudi Foreign Minister Adel al-Jubeir ay isang tuwirang pambabastos sa kanilang bansa.

Bagaman walang namatay o nasaktan sa nasabing insidente, sinabi ng Saudi government na hindi katanggap-tanggap ang nasabing paglusob sa kanilang Embahada sa Tehran.

Nauna dito ay binatikos ni Iranian President Hassan Rouhani ang nasabing pagbitay sa kanilang mga kababayan at sinabing ito’y isang uri ng terroristic act. Kaagad na nagkaroon ng tensyon sa paligid ng Saudi Embassy makaraang magkampo sa labas ng gusali ang mga galit na Iranian.

Pati ang pamahalaan ng Iran ay walang nagawa para kontrolin ang mga galit nilang mamamayan hanggang sa mapasok nila ang loob ng Embahada.

Kaagad namang nakatakas ang mga Embassy officials bago tuluyang makubkob ng mga Iranian ang loob ng gusali.

TAGS: Iran, Saudi, Shiite, Iran, Saudi, Shiite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.