Babaeng nakaposas patay sa pamamaril sa QC

Dead on the spot ang isang babae na nakaposas matapos itong barilin sa Quezon City.

Ang biktima ay binaril malapit lamang sa katabing fly-over sa Barangay Balon Bato.

Ayon sa barangay, nakarinig sila ng dalawang putok ng baril bago nakitang nakahandusay ang babaeng nakaposas.

Ang biktima ay nakasuot ng pulang t-shirt at itim na shorts at nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Nasa katamtaman ang laki ng pangangatawan ng biktma.

Walang nakuhang CCTV footage sa nangyaring pamamaril.

Nabatid na hindi residente sa lugar ang babae.

 

Read more...