P6.8M halaga ng shabu nakumpiska sa mag live-in partner sa Lapu-Lapu City
Arestado ang mag live-in partner matapos makuhanan ng P6.8 milyon na halaga ng shabu sa buy bust operation sa Sitio Mustang, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.
Nakuha sa mga suspek na sina Stanley Urdaneta, 37 anyos at Arcelia Tamarion, 35 anyos ang 1 kilo ng shabu.
Ang operasyon ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pangunguna ni Investigation Agent III Ivy Claire Oledad katuwang ang City Intelligence Branch (CIB) sa pangunguna si Lt. Col. Mark Gifter Sucalit, at ang City Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Felix Cleopas III.
Nakuha sa dalawa ang 11 pakete ng shabu at .45 caliber pistol na may magazine na may lamang pitong live ammunition.
Nakakulong na sina Urdaneta at Tamarion sa Lapu-Lapu City Police Office detention cell.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.