DA: P1.6B na pondo nalikom para sa produksyon ng palay sa mga lalawigan

By Noel Talacay September 06, 2019 - 03:47 AM

Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga lider ng lalawigan na nagpo-produce ng palay na maglaan ng pondo para mas lumago pa ang produksyon ng palay sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William D. Dar, ang pondo ay gagamitin para tulungan ang rice industry sa bansa mula sa pagbebenta ng palay, pagpapatuyo hanggang sa maibenta ito sa merkado bilang bigas.

Agad naman tumugod ang anim na lalawigan sa panawagan ni Dar at nakalikom ng P1.6 billion na pondo.

Ang anim na lalawigang ay kinabibilangan ng Isabela, Nueva Ecija, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

Sinabi ni Dar na ang anim na mga lalawigan ay nakapag-produce ng palay na umabot ng 91,176 metriko tonelada kahit sa panahon ng tag-ulan.

Pahayag pa ng kalihim, ang pondo ay malaking tulong sa 27,000 na mga maliliit na mga magsasaka ng bansa.

 

 

 

 

TAGS: Agriculture Secretary William D. Dar, Bigas, Department of Agriculture, magsasaka, P1.6 bilyong pondo, palay, produksyon, Agriculture Secretary William D. Dar, Bigas, Department of Agriculture, magsasaka, P1.6 bilyong pondo, palay, produksyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.