Report sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos malapit ng ilabas ng SC
Malapit na umanong ilabas ng Supreme Court ang report ukol sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin, malapit nang i-transmit sa korte ng ponente ng kaso na si Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang report nito ukol sa revision ng mga balota mula sa tatlong “pilot” na probinsya.
Sa kanyang poll protest sa Korte Suprema, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), inireklamo ni Marcos na sa naturang mga lugar naganap umano ang iregularidad sa naging resulta ng eleksyon sa pagka-bise presidente noong 2016.
Dagdag ni Bersamin, ang report ni Caguioa ang magbibigay-daan para talakayin ng Korte Suprema ang ibang isyu na iprinotesta ni Marcos.
Kabilang dito ang umanoy malawakang dayaan sa halalan kaya siya natalo at si Robredo ang nanalong Pangalawang Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.