Vice Ganda binuweltahan si Sotto sa isyu ng pagiging babae
Pinalagan ng komedyanteng si Vice Ganda ang pahayag ni Senate President Tito Sotto na ang lalaki ay hindi magiging babae dahil sa kabiguang manganak at kawalan ng obaryo.
“If you are a man, you will never be a woman no matter what you do. Because you cannot reproduce, you cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman,” unang pahayag ni Sotto.
Sa kanyang Instagram ay naging mahaba ang post ni Vice Ganda bilang bwelta kay Sotto.
Patutsada nito, may mga taong nagpapapanggap na feminist para anya itago ang pagiging misogynist, na isang taong galit o mababa ang tingin sa mga kababaihan.
Tanong ni Vice kay Sotto, nasusukat lamang ba sa pagkakaroon ng obaryo o matris at pagbubuntis o pagkakaroon ng anak ang pagiging babae?
“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?” nakasaad sa post ni Vice.
Inisa-isa ni Vice ang mga kundisyon kung saan hindi pwedeng manganak ang isang babae gaya ng kalusugan nito.
Sa naturang mga sitwasyon ba anya ay wala ng karapatang tawaging babae?
Iginiit ni Vice na ang kakayahang manganak ay hindi basehan ng pagiging babae.
“Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi, may anak man o wala dahil sila ay TAO at sila ay BABAE,” pahayag nito.
Dahil anya sa pagmamaliit ni Sotto sa isyu ng mga LGBTQ+ community gaya ng pagiging transgender ay tinapakan din nito ang dignidad ng mga totoong babae.
“Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan n’yo rin ang dignidad ng mga tinatawag n’yong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero I believe this statement is just not fair,” ani Vice.
Samantala, sa kanyang tweet ay sinabi ni Sotto na ang paggamit ng personal na pag-atake ay nangangahulugan na ng pagkatalo sa debate.
Ang palitan ng pahayag ng dalawa ay sa gitna ng pagtalakay ng Kongreso sa panukalang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) bill.
View this post on Instagram
When people resort to personal attacks, it means they have lost the debate!
— Tito Sotto (@sotto_tito) September 5, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.