Duterte pangungunahan ang inagurasyon ng pabahay para sa mga biktima ng landslide sa Naga City

By Len Montaño September 06, 2019 - 01:52 AM

CDN file photo

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng relocation site para sa mga biktima ng landslide sa Naga City.

Matatandaan na halos isang taon na ang nakalipas nang gumuho ang lupa sa Sitio Sindulan sa Barangay Tinaan, Naga City na ikinasawi ng mahigit 70 katao.

Ngayong Biyernes ang groundbreaking ng mga pabahay mula sa National Housing Authority (NHA) para sa mga biktima ng landslide.

Halos 200 bahay ang itatayo sa dalawang ektaryang bahagi ng Balili property.

Matapos ang landslide noong September 2018 ay binisita ng pangulo ang mga biktima na noon ay inilikas sa Enan Chiong Activity Center.

Nangako noon ang pangulo na tutulong siya sa pagtatayo ng mga bagong bahay para sa mahigit 400 pamilya.

 

TAGS: landslide, naga city, NHA, Pabahay, relocation site, Rodrigo Duterte, landslide, naga city, NHA, Pabahay, relocation site, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.