Pinakawalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bicol Region ang 95 na mga baby Pawikan.
Katuwang ng DENR-Bicol ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa bayan ng Guinobatan sa pagpapakalawa sa mga baby hawksbill turtles sa Oas, Albay.
Ang hakbang ay bahagi ng proteksyon ng Ticao Burias Protected Seascape na isang marine protected area na mayaman sa marine biodiversity.
Hinimok naman ng CENRO ang publiko na tumulong sa pagprotekta sa mga pagong partikular ang programa ng DENR na pangangalaga ng mga Pawikan.
MOST READ
LATEST STORIES