95 baby Pawikan pinakawalan sa Bicol

By Len Montaño September 06, 2019 - 01:33 AM SHARE(S):
DENR-Bicol photo

Pinakawalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bicol Region ang 95 na mga baby Pawikan.

Katuwang ng DENR-Bicol ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa bayan ng Guinobatan sa pagpapakalawa sa mga baby hawksbill turtles sa Oas, Albay.

Ang hakbang ay bahagi ng proteksyon ng Ticao Burias Protected Seascape na isang marine protected area na mayaman sa marine biodiversity.

Hinimok naman ng CENRO ang publiko na tumulong sa pagprotekta sa mga pagong partikular ang programa ng DENR na pangangalaga ng mga Pawikan.

TAGS: 95 baby hawksbill turtles, Albay, baby Pawikan, Bicol, DENR, oas, pangangalaga, pinakawalan, proteksyon, 95 baby hawksbill turtles, Albay, baby Pawikan, Bicol, DENR, oas, pangangalaga, pinakawalan, proteksyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.