10 patay, 42 sugatan sa suicide bombing sa Afghanistan

By Angellic Jordan September 06, 2019 - 12:57 AM

Patay ang 10 sibilyan habang 42 iba pa ang nasugatan sa naganap na suicide bombing sa Kabul, Afghanistan araw ng Huwebes.

Ayon kay Nasrat Rahimi, tagapagsalita ng Interior Ministry sa bansa, nasira rin ang nasa 12 sasakyan sa pagsabog sa diplomatic area malapit sa United States Embassy.

Target ng Taliban ang sasakyan ng mga dayuhan nang subukang pasukin ang Shashdarak area kung nasaan ang mga opisina ng mga Afghan national security authorities.

Kinondena naman ni US Ambassador John Bass ang pag-atake.

Ilang miyembro ng tropa ng pamahalaan din aniya ang kabilang sa mga nasawi sa insidente.

Ito na ang ikalawang pag-atake kaugnay sa preliminary US-Taliban deal ngayong linggo.

 

TAGS: 10 patay, 42 sugatan, afghanistan, suicide bombing, US Embassy, US-Taliban deal, 10 patay, 42 sugatan, afghanistan, suicide bombing, US Embassy, US-Taliban deal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.