Task Force na sasala sa makikinabang sa GCTA inirekomenda ng ilang kongresista
Nais nina ACT-CIS Rep. Niña Taduran at CSW Rep. Romeo Momo na bumuo ng task force ang pamahalaan na sasala sa listahan ng mga posibleng makalayang bilanggo sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ayon kina Taduran at Momo, kailangang mabusisi ng husto ang kaso ng mga bilanggong nag-apply sa GCTA bago sila payagang makalaya ng mas maaga sa kanilang sentensya.
Ayon kay Taduran, dapat na manggagaling sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang magiging miyembro ng bubuuing task force.
Anuman ang mapagdesisyunan ng task force na ito ay kailangang maiakyat muna sa kalihim ng Department of Justice o sa Pangulo ayon naman kay Momo.
Kailangan din aniya na mailatlahala sa mga pahayagan ang pangalan ng mga papalayaing bilanggo sa bisa ng GCTA.
Sa ganitong paraan umaasa ang dalawang kongresista na maiwasan ang abuso sa naturang batas at gayundin ang sinasabing “freedom for sale.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.