Umanoy magnanakaw patay sa shootout sa Cavite; isa pa nakatakas

Dead-on-the-spot ang isang hinihinalang magnanakaw makaraang mauwi sa shootout ang operasyon sa General Trias City, Cavite araw ng Huwebes.

Batay sa ulat ng Calabarzon police, nasawi ang hindi pinangalanang suspek sa bahagi ng Barangay Manggahan bandang alas tres y medya ng madaling-araw.

Una umanong nagpaputok ng baril ang dalawang suspek laban sa mga pulis nang rumesponde sa insidente ng pagnanakaw ng dalawang suspek sa isang bahay sa loob ng Metro South Village.

Gumanti ng putok ng baril ang mga otoridad dahilan para tamaan at masawi ang suspek.

Samantala, nakatakas naman ang isang kasamahan nito.

 

Read more...