Bayaran sa GCTA ibinunyag ng isang testigo

By Jan Escosio, Len Montaño September 06, 2019 - 12:11 AM

Screengrab ng mga video ni Jan Escosio

Lumutang sa Senado ang isang common-law wife ng isang convict na nagsabing nagbayad siya ng P10,000 kapalit ng good conduct time allowance (GCTA) ng kanyang asawa na nakakulong sa Muntinlupa.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado araw ng Huwebes, kinilala ng testigong si Yolanda Camilon ang ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na umanoy binayaran niya para makalaya na ang asawang convict.

Sa kanyang testimonya sa Senate blue ribbon committee, na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, kinilala ni Camilon si Senior Inspector Maribel “Mabel” Bansil na umanoy kausap niya para sa umanoy “GCTA for sale.”

Ipinakilala anya sa kanya ni Bansil ang kamag-anak na si Staff Sergeant Ramoncito Roque na nakatalaga sa documents division ng BuCor at isa pang tauhan na si Veronica Bruno.

Sa gitna ng negosasyon ay nakilala rin ng testigo si Ruperto Traya Jr., administrative officer sa BuCor, na pinatay noong August 27.

Ayon kay Camilon, mula sa P50,000 na turing para mapalaya na ang kanyang asawa, nauwi sa P10,000 ang ibinigay niya kay Roque na inilagay niya sa envelope nang magkita sila sa isang bulaluhan.

Ipinangako anya ng grupo na sa Marso makakalaya ang kanyang asawa pero umabot na ang Agosto at pumutok na ang isyu ukol sa GCTA ay hindi pa rin nakalaya ang kanyang asawa kaya binabawi na ni Camilon ang P10,000 na anyay inutang lamang niya.

Nasa pagdinig si Roque kaya ipinatawag ito ni Gordon sa session hall at pinanumpa para sa imbestigasyon.

Itinanggi ni Roque ang alegasyon ni Camilon at ipinaliwanag nito ang kanyang ginagawa kaugnay ng pagpapalaya ng mga convicts sa ilalim ng GCTA Law.

Sa kabila ng kanyang pagtanggi, iginiit ni Gordon at mga miyembro ng komite na present din pagdinig na sina Senators Tito Sotto, Panfilo Lacson at Francis Tolentino ang iregularidad sa implementasyon ng GCTA at kurapsyon sa BuCor.

Pasado 11:30 Huwebes ng gabi ay sinuspinde ni Gordon ang pagdinig at ipagpapatuloy ito sa Lunes, September 9 alas 10:00 ng umaga.

TAGS: bayad, bucor, GCTA, GCTA for sale, kurapsyon, pagdinig, Ruperto Traya Jr., Senado, Senior Inspector Maribel “Mabel” Bansil, Staff Sergeant Ramoncito Roque, testigo, Yolanda Camelon, bayad, bucor, GCTA, GCTA for sale, kurapsyon, pagdinig, Ruperto Traya Jr., Senado, Senior Inspector Maribel “Mabel” Bansil, Staff Sergeant Ramoncito Roque, testigo, Yolanda Camelon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.