Sen. Go nais ang special audit sa pondo ng PhilHealth
Inihirit ni Senator Bong Go na magkaroon ng special audit kung paano ginamit ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa ikalawang pagdinig ng Senado, hiniling ni Go sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa paggamit ng pondo ng PhilHealth at magsumite ng resulta nito sa Office of the Ombudsman.
Paritikular na sinabi ng senador ang hiling nito kay COA chairperson Michael Aguinaldo.
“I urge you to conduct a special audit and submit your findings to the Ombudsman. Gumawa kayo ng audit para malaman natin kung sino ang mga salarin,” pahayag ni Go.
Hinamon naman ni Go ang kasalukuyang presidente ng PhilHealth na si retired army general Ricardo Morales na agad magpatupad ng mga reporma para masawata ang kurapsyon sa PhilHealth.
Bukod sa aksyon ng COA, nais din ni Go na magsagawa ng kani-kanilang imbestigasyon ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabihan din ng senador ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang mapatunayang responsable sa kontrobersyal na pondo ng PhilHealth.
Iniimbestigahan ng Senado ang PhilHealth dahil sa umanoy mga anomalya gaya ng overpayment at kwestyunableng claims.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.