LPA sa Mindanao wala na sa PAR

By Len Montaño September 05, 2019 - 10:30 PM

Hindi na naging tropical storm ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Mindanao at tuluyan na itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA 1,070 kilometers east ng Eastern Visayas.

Sinabi ni weather forecaster Ariel Rojas na mababa ang tsansa na maging bagyo pa ang LPA sa susunod na 48 hours.

Pero posible anyang tumambay ang sama ng panahon sa silangang bahagi ng PAR.

Dagdag ni Rojas, maaaring bumalik ang LPA o tuluyan na itong malusaw.

Samantala, patuloy na pina-iigting ng Typhoon Liwayway ang Habagat kasabay ng paglabas nito ng PAR dakong 3:00 ng hapon.

Alas 4:00 Huwebes ng hapon, ang huling lokasyon ng Liwayway ay 630 kilometers north northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kilometers per hour at bugsong 215 kilometers per hour at tinatahak ang direksyong Hilaga sa bilis na 15 kilometers per hour.

Sinabi ni Rojas na patuloy pa ring hinihila ng Typhoon Liwayway ang Habagat na nakaka-apekto sa Northern Luzon.

 

TAGS: habagat, LPA, Pagasa, PAR, Typhoon Liwayway, habagat, LPA, Pagasa, PAR, Typhoon Liwayway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.