Batay sa impormasyon mula sa Manila Public Information office (PIO), humingi ang suspek na si Celso Dimanlig, 50-anyos, ng P11,000 para umano matiyak ang enrollment ng Grade 11 student sa unibersidad.
Naaresto ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang suspek matapos magreklamo ang ina ng estudyante, Martes ng hapon (September 3).
Nagpahiwatig ng pagkainis ang alkalde dahil sa pang-aabuso sa mga mahihirap.
Iginiit pa nito na kaya itinayo ang UdM ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na kabataan na makapag-aral.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 293 o Robbery Extortion at Article 315 o Estafa ng Revised Penal Code.