Lalaki, timbog dahil sa pangingikil sa isang estudyante sa Maynila
Iprinisinta ni Mayor Isko Moreno sa media ang naarestong lalaki dahil sa umano’y pangingikil ng pera sa isang estudyante mula sa Universidad de Manila (UdM).
Batay sa impormasyon mula sa Manila Public Information office (PIO), humingi ang suspek na si Celso Dimanlig, 50-anyos, ng P11,000 para umano matiyak ang enrollment ng Grade 11 student sa unibersidad.
Naaresto ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang suspek matapos magreklamo ang ina ng estudyante, Martes ng hapon (September 3).
Nagpahiwatig ng pagkainis ang alkalde dahil sa pang-aabuso sa mga mahihirap.
Iginiit pa nito na kaya itinayo ang UdM ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na kabataan na makapag-aral.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 293 o Robbery Extortion at Article 315 o Estafa ng Revised Penal Code.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.