Kumander Parago, kumpirmadong patay na

11655116_986533784691303_844893566_n
Isa sa mga kasamahan ni Parago. Photo by CRC/AFP

Ang matagal nang pinaghahanap na lider ng New People’s Army sa Davao City na si Leoncio Pitao alias Kumander Parago ng Pulang Bagani Command (PBC) 1, Southern Mindanao Regional Command ay tuluyan nang nasukol kahapon, alas dos y media ng hapon sa Purok 9, Barangay Panalum, Paquibato District, Davao City, ng Task Force Minion.

Isang pinagsanib na puwersa mula sat 10th Infantry Division ng Philippine Army na kinabibilangan ng mga tropa mula sa 6th Scout Ranger Company, isang composite team mula sa 103rd Brigade, isa mula sa 69th IB at isa mula sa 10th Military Intelligence Battalion ang nakasukol kay Pitao.

Sa isang text message kagabi mula kay Lieutenant Colonel Jess Durante, battalion commander ng 2nd Scout Ranger Battalion sa Davao City, sinabi nito na kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa main group ni Parago.

“Kasama lamang niya ang kanyang trusted aides nang maka-encounter ang mga tropa ng pamahalaan,” ayon kay Durante.

Photo by CRC/AFP

Makailang ulit na ring napabalita na patay na ang NPA leader at sinasabing “ruthless” o walang awa si Parago. Sa isang press statement na may kalakip na mga larawan ng bangkay ni Parago, kinumpirma ng 10th ID ang pagkamatay nito.

Si Parago ay may mga tatlong dekada nang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention, multiple murder, violation of R. A. 6539, robbery, arson, violation of PD 1704, at double murder.

Na-recover ng mga tropa mula sa kalaban and dalawang (2) M16 rifles, tatlong (3) rifle grenades, dalawang (2) magazine ng M16 rifle at tatlong (3) backpacks.

May patong na 5 Milyong piso sa ulo ni Parago./ulat na ambag para sa Radyo Inquirer ni Josephine Jaron Codilla.

Read more...