DOJ: Mga pinalaya dahil sa GCTA ituturing na pugante pagkatapos ng 15 days

Inquirer file photo

Mayroong 15-araw para sumuko ang mga napalayang heinous crime convict sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law.

Sa isang ambush interview dito sa Kamara sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ito ang araw na palugit ng pamahalaan sa kanila.

Sinabi nito na matapos ang takdang palugit ay idedeklara silang fugitive from justice dahil sa hindi pagsuko.

Kapag naedeklara anya ang mga ito na fugitive ito ay isang krimen na bagsak sa evading sentence.

Maari na ang mga itong arestuhan ng walang kinakailangang warrant of arrest dahil sa pagiging pugante na isang continuing offense.

Sa ilalim ng batas hindi kailangan ng mandamyento de aresto o warrant of arrest upang hulihin ang isang fugitive from justice.

Read more...