Dela Rosa ipinasasalang ng Malacañang sa GCTA investigation
Pinaiimbestigahan na rin ng Malacañang si dating Bureau of Corrections chief at ngayo’y Senador Ronald Dela Rosa kaugnay sa pagkalaya ng mga bilanggo na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bahala na ang kongreso o iba pang sangay ng pamahalaan na mag-imbestiga kay Dela Rosa.
Ayon kay Panelo, kung ano man ang magiging rekomendasyon ng kongreso at kung anong kaso ang maaaring kaharapin ni Dela Rosa ay igagalang ito ng palasyo
Si Dela Rosa ay nagsilbing BuCor director noong April hanggang October, 2018.
Una rito sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyak na nakahanda si Dela Rosa na iharap ang sarili sa anumang uri ng imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.