Tracker team ng PNP nakakalat na para hanapin ang mga napalaya dahil sa GCTA

Inquirer file photo

Hindi mag-aatubiling sundin ng Philippine National Police (PNP) ang direktibang ‘shoot-to-kill’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga napalayang convicted criminal sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance law.

Sa press briefing sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi ni PNP chief General Oscar Albayalde na ito ay kung manlalaban ang mga convicted criminal.

Wala aniyang magagawa ang kanilang hanay kundi sundin ang utos ng pangulo.

Matatandaang binigyan ng pangulo ang mga convicted criminal ng labing-limang araw para sumuko sa mga otoridad.

Magpapakalat aniya ang kanilang hanay ng tracker team para muling arestuhin ang mga convicted criminal na hindi sumuko sa loob ng labing-limang araw.

Pangungunahan aniya ito ng Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG).

Read more...