Pamilya Ampatuan nagpasaklolo rin sa Malacanang ayon kay Panelo

By Chona Yu September 05, 2019 - 04:38 PM

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Bukod sa pamilya ni convicted rapist at murderer Antonio Sanchez, nagpasaklolo na rin kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pamilya ng kanyang dating kliyente na si Datu Saudi Ampatuan Jr. na re-elect bilang mayor at ngayon ay at-large dahil sa pagkakadawit sa Maguindanao massacre case.

Ayon kay Panelo hindi lang sa kanya humingi ng tulong ang ina ni Ampatuan Jr. na si Bai Soraida Biruar Ampatuan at asawa na si Atty.  Jehan Jehan Ampatuan Lepail kundi maging kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo, nakasama niya sa sa isang event sa Davao City ang pamilya Ampatuan.

Nagkataon aniya na nasa event din ang pangulo kung kaya ipinakilala niya ang pamilyan ng Pmpatuan pero ayon kay Panelo nagkataon din na kakilala pala ng pangulo ang mga miyembro ng nasabing pamilya.

Humingi aniya ng tulong ang pamilya Ampatuan kay pangulong Duterte pero pinayuhan na hintayin na lamang ang magiging desisyon sa kanilang kaso.

Base sa dokumento na nakuha ng Radyo Inquirer, nagpadala ng referral letter sa pamamagitan ng email  ang office of the president kay Panelo noong July 17, 2019 para sabihan si Panelo na humihinhi ng audience sa pangulo sina Atty. Jehan Jehan Soraida Biruar Ampatuan.

Pero dahil sa puno ang schedule ng punong ehekutibo ini-refer na lamang sila kay Panelo.

Base sa pananaliksik ng Radyo Inquirer, bumisita sina Atty. Jehan Jehan at Bai Soraida sa tanggapan ni Panelo noong August 13, 2019.

Pero ayon kay Panelo, sa naturang pagpupulong pinayuhan niya ang pamilya Ampatuan na pasukuin na lamang si Datu Saudi Ampatuan Jr. at harapin ang kaso.

TAGS: ampatuan, Davao, dutertem gcta, panelo, ampatuan, Davao, dutertem gcta, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.