Faeldon umaming masaya sa pagsibak sa kanya ng pangulo sa BuCor

By Den Macaranas September 05, 2019 - 03:54 PM

Photo: Cathy Miranda/Inquirer.net

Masayang humarap sa mga miyembro ng media ang sinibak na pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Nicanor Faeldon.

“I’ve never been happier now, relieved,” ayon sa dating BuCor official.

Ngayong hapon ay dumating sa Senado si Faeldon para sa ikatlong araw ng imbestigasyon ng imbestigasyon ng Senate Justice at Blue Ribbon Committee kaugnat sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

“Wala nang yoke sa balikat. You can soundly sleep,” dagdag pa ni Faeldon.

Nag-adjust rin sa schedule ang mga senador para maisalang sa imbestigasyon ang dating pinuno ng BuCor.

Kahapon ay sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pwesto si Faeldon makaraan itong hindi sumunod sa kanyang utos na huwag hayaang makalabas sa kulungan ang ilang mga nakatulan dahil sa heinous crime.

Muli namang nanindigan si Faeldon na wala siyang nilabag na batas sa kanyang mga naging desisyon kaugnay sa GCTA dahil sinusunod lamang niya ang mga panuntunan tungkol dito na siya ring ginamit ng mga nagdaang pinuno ng BuCor.

TAGS: blu ribbon, bucor, duterte, Faeldon, GCTA, Gordon, Senate, blu ribbon, bucor, duterte, Faeldon, GCTA, Gordon, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.