Pagpasok sa Malacanang ng pamilya Sanchez pinaiimbestigahan sa PSG

By Chona Yu September 05, 2019 - 03:32 PM

Pinaiimbestigahan na ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Presidential Security Group (PSG) ang pagkakapasok sa Malacanang ng pamilya ni convicted rapist at murderer Antonio Sanchez.

Ayon kay Panelo, mistulang maluwag ang seguridad ng PSG kung kaya nakapasok sa kanyang tanggappan sa New Executive Building sa Malacanang compound ang mag-inang Elvira at Marie Antonelvie.

Ikinatwiran ng kalihim na nakapagtataka na nakapasok ang mag-inang Sanchez ng dalawang beses nang hindi niya nalalaman.

Una nang inamin ni Panelo na dalawang beses niyang nakausap ang pamilya Sanchez noong February 7 at February 27, 2019.

Pero sa pananaliksik ng Radyo Inquirer, bumisita pa ang mag inang Sanchez noong February 21.

TAGS: Antonio Sanchez, elvira shcnez, panelo, PSG, Antonio Sanchez, elvira shcnez, panelo, PSG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.