Panukala sa mas simpleng paniningil ng buwis lusot sa 2nd reading sa Kamara

By Erwin Aguilon September 05, 2019 - 02:51 PM

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 304 o ang Passive Income Financial Intermediation Tax Bill o FIPITA.

Nakasaad sa ilalim ng FIPITA gagawing mas simple ang pagbubuwis para maging madali ang pagkolekta ng gobyerno ng buwis.

Isinama din sa panukala ang unified tax rate na 15 porsyento para sa interests, dividends at capital gains.

Kasama rin sa panukala ang pagtatanggal ng Documentary Stamp Tax (DST) sa diploma, transcript at iba pang records.

Sa ilalim ng panukala, DTS ang mga non-monetary documents tulad ng diploma para sa 1.2 milyong nagtatapos sa kolehiyo kaa taon, transcript of records ng may dalawang milyong Senior High School Graduate kada taon at iba pang certification sa paaralan

Bukod pa dito, kasama rin ang Oath of Office ng 650,000 opisyal ng barangay, at iba pang elective officials, Good Moral Standing Certificate na hinihingi ng Philippine Regulations Commission, na kinukuha ng mga propesyunal kada tatlong taon, Affidavit of Loss at iba pang Certificates/Notarized Documents, Proxies, Certificate of No Marriage Record at Baptismal Certificate.

Kikita ang gobyerno ng P4.2 bilyon sa panukalang FIPITA ayon sa pangunahing may-akda ng panukala na si Albay Rep. Joey Salceda.

TAGS: Passive Income Financial Intermediation Tax Bill o FIPITA., second reaDING, tax, Passive Income Financial Intermediation Tax Bill o FIPITA., second reaDING, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.