Typhoon Liwayway lumakas at bumilis habang palabas ng bansa

By Mary Rose Cabrales September 05, 2019 - 01:09 PM

Lumakas at bahagyang bumilis ang Typhoon Liwayway habang papalabas ito ng bansa.

Base sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 555 kilometers Northeast ng Basco Batanes.

Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyong Liwayway sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-hilaga.

Ngayong hapon o gabi inaasahang lalabas na ito ng bansa.

Samantala, ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA na nasa loob ng bansa ay huling namataan sa layong 860 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Mababa naman ang tiyansang mabuo bilang isang bagyo ang LPA.

Apektado naman ng Habagat na pinalalakas ng bagyo ang kanlurang bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region and Cordillera Administrative Region.

TAGS: Pagasa, Typhoon Liwayway, weather, Pagasa, Typhoon Liwayway, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.