Kahalagahan ng pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte upang masolusyunan ang traffic ibinida ni Sec. Tugade sa Kamara

By Erwin Aguilon September 05, 2019 - 12:03 PM

Inihirit ni Transportation Sec. Arthur Tugade sa Kamara ang kahalagahan ng pagkakaloob ng emergency powers kay Pangulong Duterte para maresolba ang traffic sa Metro Manila.

Sa budget briefing ng Department of Transportation sa House Committee on Appropriations sinabi ni Tugade na kung naibigay na noon pa ang emergency powers sa pangulo ay mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga hakbang para resolbahin ang problema sa traffic at pagsasaayos ng mga road infrastructures.

Aminado si Tugade na nababagalan din sila sa kanilang mga proyekto dahil may mga right of way issue pa sila na kailangan ikunsidera bago masimulan ang mga proyekto.

Sakali namang maipagkaloob ng Kongreso ang emergency powers kay Pangulong Duterte, tiniyak ni Tugade na hindi aalisin ang oversight powers ng Kamara para silipin kung may katiwalian sa mga proyekto.

Ang paggiit ni Tugade sa pagkakaloob ng Kongreso ng emergency powers ay kasunod na rin ng pagtatanong ni Albay Rep. Edcel Lagman kung ano ang mga non-infrastructure projects at policies na ipinapatupad ng ahensya para masolusyunan ang trapiko.

TAGS: Budget, dotr, emergency powers, House of Representatives, traffic, Budget, dotr, emergency powers, House of Representatives, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.