Ayon sa pangulo, galit ang mga tao kung kaya gusto niyang patayin na lamang ang mga ito.
Ayon sa pangulo, nakahanda siyang pumalit sa mga puwesto nina Sanchez sa Muntinlupa.
Wala aniyang problema kung i-execute niya ang mga ito.
“As I said, no need for affidavits because the records will show — the records rather would show na there has been a wrong committed and maybe corruption given the propensity of ‘yung 1,700 including ‘yung nagpatay sa Chiong sisters pati ‘yung sa Sanchez. Iyon ang mga high-profile na galit ang tao,” ayon sa pangulo.
Una rito, ipinag-utos ng pangulo ang pag-arestong muli sa mga convict sa magkapatid na Chiong rape murder case pati na ang halos 2,000 presong nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance law.
Pero ayon sa pangulo, poproblemahin niya pa ang pagpapakain sa mga preso lalo’t nakararanas ngayon ng problema sa suplay ng bigas ang bansa.
Kaya utos ng pangulo, kapag nagmatigas ang mga nakalayang bilanggo at hindi sumuko sa loob ng 15-araw, ‘dead or alive’ na ang kanilang kakaharapin at may isang milyong pabuya para sa sinumang makapapatay sa kanila.
“Gusto ko silang patayin kaya lang wala namang opportunity. But given, I will execute them. No problem. As a matter of fact, I can take their place inside the Muntinlupa,” dagdag pa ng pangulo.