“GCTA for Sale” intelligence report ni Sen. Tito Sotto III magkakaroon ng linaw ngayon araw

By Jan Escosio September 05, 2019 - 11:18 AM

Inaasahan ni Senate President Vicente Sotto III na magiging matibay ngayon araw ang ibinunyag niyang good conduct time allowance o GCTA for sale sa Bilibid.

Ayon kay Sotto nangako sa kanya ang hindi pa niya kinilalang “A-1 source” na muling makikipag-ugnayan ito sa kanya para magbigay pa ng mga karagdagang konkretong impormasyon.

Inulit ng senador na malalagay sa panganib ang buhay ng kanyang source kapag pre-mature na naisapubliko ang pangalan nito.

Sinabi din nito na sa ngayon ay malinaw na ang lahat kay Pangulong Duterte ang mga pangyayari sa Bilibid at may plano na siya ukol dito.

Samantala, sinabi ni Sotto na may tatlong subpoena siyang pinirmahan para sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayon araw ukol sa kontrobersyal na GCTA.

Aniya sinabi sa kanya ni Sen. Richard Gordon, ang namumuno sa Blue Ribbon at Justice Committees, na mabigat ang magiging testimoniya ng tatlo sa pagdinig.

TAGS: Bilibid, GCTA for sale, New Bilibid Prisons, Bilibid, GCTA for sale, New Bilibid Prisons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.