Nasibak na si BuCor chief Faeldon hindi na dumalo sa pagdinig ng Senado sa GCTA law
Hindi na sumipot sa pagdinig ng Senado ang sinibak na pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Nicanor Faeldon
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong araw (Sept. 5), hindi na nagpakita si Faeldon sa Senate hearing hinggil sa good conduct time allowance (GCTA) law.
Ito ay makaraang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto si Faeldon.
Ayon kay Senator Richard Gordon na namumuno sa Senate Blue Ribbon Committee at dumidinig sa usapin sa GCTA law, sa umpisa pa lang ng hearing ay nanawagan na silang magbitiw sa pwesto si Faeldon.
Naging mabilis aniya ang pagtugon ni Pangulong Duterte sa mga panawagan nang humarap ito sa publiko kagabi at inaunsyo ang pagsibak sa BuCor official.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.