GMA-7 lumabag sa safety work standards sa shooting ng Teleserye kung saan naaksidente si Eddie Garcia – DOLE
May mga nalabag na safety standards ang GMA-7 sa shooting ng isang Teleserye kung saan nangyari ang pagka-aksidente ni Eddie Garcia.
Ito ang initial findings ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos ang ginawang imbestigasyon.
Ayon kay DOLE National Capital Region Dir. Sarah Mirasol, nabigo ang network na magtalaga ng on-site safety and first aid personnel sa lokasyon ng shooting.
Bigo din ang GMA-7 na magsumite ng incident report sa loob ng 24 na oras matapos mangyari ang aksidente.
Sinabi ni Mirasol na nagsagawa sila ng mandatory conference at ipinaalam na sa network ang kanilang mga naging paglabag at ang resulta ng imbestigasyon.
Humiling naman ang GMA at ang contractors nito ng sapat na panahon para makapagsumite ng komento.
Sa Sept. 16, 2019 itinakda ang susunod na pulong ng DOLE sa network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.