Informant ng militar at kaniyang kasama patay sa pananambang sa Dumaguete City
Patay makaraang tambangan sa loob ng kaniyang bahay ang isang military informant sa Purok Hayahay, Barangay Calindangan sa Dumaguete City.
Ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), nasawi si Lori De Jesus na isang informant ng Military Intelligence Group sa Central Visayas at kasama niyang si Mark Anthony Booc, 39 anyos.
Tinambangan ang dalawa habang nasa loob ng bahay alas 9:30 ng gabi ng Miyerkules (Sept. 4).
Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pananambang.
Nakuha ng mga tauhan ng NOPPO-Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.
May nakuha ding sachets na may shabu residue at mga drug paraphernalia.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.