Lalaking dati nang nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga, patay sa pananambang

September 05, 2019 - 10:36 AM

Nasawi sa pananambang ang isang lalaki na dati nang nakulong dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Pinagbabaril si Herson Gamilla, 44 anyos sa Barangay Malabanban Norte sa Candelaria, Quezon, Miyerkules (Sept. 4) ng gabi.

Agad namang tumakas ang mga suspek na hindi natukoy ang pagkakakilanlan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng mga bala mula kalibre 45 at kalibre 49 na baril.

Ayon sa mga otoridad, naaresto na noong 2016 si Gamilla at nakulong dahil sa kasong drug trafficking.

Nakalaya naman siya noong nakaraang taon matapos ang plea bargaining agreement.

Nagbabagong buhay na sana si Gamilla at pinasok ang pagiging isang tattoo artist bago mangyari ang pananambang.

TAGS: ambush incident, candelaria, ex drug convict, Quezon, ambush incident, candelaria, ex drug convict, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.