Ito rin aniya ay para protektahan ang mga tao sa posibleng mga banta sa lipunan ng mga napalayang preso.
Ngayon aniya ay may pagkakataon pa para sumuko ang mga napalaya at suportado niya ang isagawa ang “shoot to kill” kung manlalaban ang mga ito sa awtoridad.
Bunga nito, inihain ni Go ang panukala para amyendahan ang batas.
Pagdidiin ng senador dapat ay maging malinaw, hindi dapat maisama sa maaring mapalaya ng maaga sa pamamagitan ng GCTA ang mga nasentensiyahan dahil sa karumaldumal na krimen na kailangan din tukuyin.
Dagdag pa ni Go kailangan mailathala din ang pangalan ng mga mapapalaya dahil sa GCTA.
Kailangan din aniya rebyuhin ng DOJ ang mga irerekomendang preso na mapapalaya at kailangan din magsumite ng ulat ang Bureau of Corrections sa Kongreso dalawang beses sa isang taon.