“Shoot to kill” sa mga manlalaban na napalayang bilanggo dahil sa GCTA Law suportado ni Sen. Bong Go
Naniniwala si Senator Christopher Go na ang muling pag-aresto sa mga napalayang preso at detenido dahil sa good conduct time allowance o GCTA ang magtatama sa naidulot na mali ng Republic Act 10592.
Ito rin aniya ay para protektahan ang mga tao sa posibleng mga banta sa lipunan ng mga napalayang preso.
Ngayon aniya ay may pagkakataon pa para sumuko ang mga napalaya at suportado niya ang isagawa ang “shoot to kill” kung manlalaban ang mga ito sa awtoridad.
Bunga nito, inihain ni Go ang panukala para amyendahan ang batas.
Pagdidiin ng senador dapat ay maging malinaw, hindi dapat maisama sa maaring mapalaya ng maaga sa pamamagitan ng GCTA ang mga nasentensiyahan dahil sa karumaldumal na krimen na kailangan din tukuyin.
Dagdag pa ni Go kailangan mailathala din ang pangalan ng mga mapapalaya dahil sa GCTA.
Kailangan din aniya rebyuhin ng DOJ ang mga irerekomendang preso na mapapalaya at kailangan din magsumite ng ulat ang Bureau of Corrections sa Kongreso dalawang beses sa isang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.